in ,

“Ayuda mula sa kapitbahay”. Mga kapitbahay, hindi pinabayaan ang isang pamilyang nasa Isolation sa Rizal

Bayanihan? O pagmamahal ng magkakalugar ang umiral sa lugar sa Caint, Rizal na kung saan ay bumuhos ang biyaya para sa pamilya ni Sky Gatdula habang naka isolate sila sa kanilang tahanan sa loob ng isang buong buwan.

Matapos magpositibo sa C0’vid 19 ang father in law ng isang 32-year-old na si Sky  Gatdula, ang kanyang buong pamilya at kamag anak ay inilagay sa 14days isolation period.

Loading...

Dahil sa sinapit, naging mabigat ang para sa buong pamilya ang kanilang kalagayan.

Gayunpaman, hindi inaasahan ng pamilya ni Sky na bubuhos ang tulong mula sa mga kapitbahay at kaibigan nila sa kanilang village sa Cainta, Rizal sa gitna ng kanilang isolation period.

Loading...

“August 3 po kami nag-start hindi lumabas. … Na ‘wag lang po lalabas sana para hindi din po mag-create ng takot within the village. … Mag-mask po if ever may kukuhanin sa labas … ‘Yun lang naman po ang sinabi sa’min nung sa guard. Kami po dito sa loob ng bahay, lahat po dini-disinfect po namin.”

Dagdag pa niya, nakakatanggap sila ng pagkain tulad ng lumpia, barbeque, itlog, pancit, at maja. Iniiwan ng mga kapitbahay sa isang upuan sa harap ng kanilang tahanan ang “ayuda” araw araw.

“Pagkain po, nagbibigay sila ng mga niluto nilang food, even ‘yung mga paninda nila. May nagbigay po ng isang tray na egg … ‘Yung isa po, nag-o-offer po na bilhan kami ng mga needs namin.”

Bukod pa dito, isa pa sa nakakataba ng kanilang puso ang note na pinaskil ng mga kapitbahay sa sa kanilang bintana na may mensaheng “praying for the whole family” sa kabila ng kanilang sitwasyon.

Samantala, malaking bagay naman na ipinaalam agad ng kanyang sister-in-law sa publiko ang kanilang sitwasyon dahilan upang maagapan ang posibleng pagkalat ng v!rus sa kanilang lugar.

Loading...

“Siguro, nakatulong din ‘yung pag-announce in public ng sister-in-law ko. Nabigyan ng notice yung buong community and ‘yung ibang nakasalamuha nila sa work. This is because, concerned din ang buong family na hindi na mag-spread pa ang v!rus.”

Sa huli, inimungkahi ni Sky na malaking tulong ang pag iinform at pagiging honest ng mga tao sa kanilang sitwasyon sa pagsugpo ng pagkalat ng pandemyang ito. Hindi kailangan matakot ng mga taong malalagay sa isolation sa maaring ituring ng iba sa kanila.

“Kaya for us, naniniwala kami na maganda ma-inform ang mga tao. Wala namang natakot, but instead mas madaming tao ang nag-reach out.”

Malaki din ang kanyang pasasalamat at utang na loob sa mga taong hindi sila itinakwil, bagkus ay sinuportahan pa sila at sinamahan sa kanilang laban na ito.

Loading...

“Even before pa po ma-affect yung family namin ng [C0’VID-19], very warm na po sila sa amin eh. So much more po nung na-affect po kami… Masayang masaya po ang buong pamilya. Nata-touch po kami at nakakataba po ng puso.”

Narito ang kabuuan ng kanyang nakakainspire na post sa social media.

Narito naman ang magandang update sa buong pamilya Gatdula matapos ang 13 days quarantine.

Ngayong araw, Aug 18 nakatakdang matapos ang 14-day isolation period ng pamilya Gatdula, ngunit sa loob ng dalawang Linggo na ito, habang buhay nang mananatili sa kanilang puso at sa mga netizens ang kaalamang,

HINDI KAILANMAN MAWAWALA ANG BAYANIHAN AT PAGMAMALASAKIT SA KAPWA NATING MGA PILIPINO. 

Loading...

Written by ADMIN

Ogie Diaz shared that GMA, TV5 and VIVA is eyeing for Liza Soberano and Enrique Gil

Nadia Montenegro, Chuckie Dreyfus and Aster Amoyo end their support for John Regala